Tuesday, September 27, 2005

Pinoy Big Brother Seasonn 2 housemates ang mga artista!!!

Tama ba ang balitang sa December 10 na magtatapos ang Season One ng Pinoy Big
Brother? Sa nasabing petsa, malalaman kung sinong housemate ang maiiwan sa
bahay ni kuya, mananalo ng P 1 million at magkakaroon ng showbiz career.

Sa January 9, 2006 naman daw (baka mabago pa), ang simula ng Season Two na
celebrities ang challengers. Sixty days o two months lang daw ito tatakbo at
magkakaroon ng audition para rito.

June, next year naman daw ang Season Three at international season ang tawag
nito ng ilang press people. Pinoy na may dugong banyaga raw ang pipiliing
housemate. Halimbawa, Fil-Am, Fil-Jap, Fil-Aussie, Tsinoy at iba-iba pang may
dugong banyaga. Kaya, different languages ang madidinig natin. Masaya ito!